...

Tuesday, July 19, 2005

crush-ology 101

.Freak.

This is crush thing is actually from somebody else's blog.. hehe.. ninakaw ko lng! *evil laugh* enweiz, i want it to be here din sa blog ko! Ü


STAGE 1: ALIW AKO!
It goes like this, lalapit ka sa friend mo tapos you'll say:Ei! Kilala mo ba si _____ (mark, joseph, john, mike..or whatever his damn name is!)? Wala lang aliw lang talaga ako sa kanya *sabay smile* Hindi ko siya crush ha! Talagang nakakatuwa lang siya.Kaya nga eh, tuwang tuwa kahit it shows na aliw ka nga talaga grabeh! Di mo ba alam na diyan nagsisimula yan?!?

STAGE 2: NAKAKA-MISS SIYA
Ayan na po, hinahanap mo na. Yung dialogue naman nyan ganito:Uy nasan kaya si _____? Matagal ko na syang di nakikita eh.. Wala lang naninibago lang ako...Sigurado ka bang yun lang? Aba! Bago mo naman siya nakilala eh ok lang sayo na he does not exist eh bakit ngayon hina-hanap hanap mo na? Sigurado ka bang NANINIBAGO KA LANG?!?

STAGE 3: CUTE PALA SIYA!
a.k.a. the denial of reality!Hay ayaw pa kasing aminin eh paka totoo ka na noh!
"Ei, alam mo cute pala si _____! Pag tinignan mong mabuti o kaya. Ang cute naman niyang mag-smile tapos ang bouncy pa ng hair niya. Tapos biglang sasabihin, Hindi ko siya crush ha! Yung hair (smile or whateve na related sa kanya) lang nya gusto ko!TALAGA LANG HUH. Hmm.

STAGE 4: ALAM MO, CRUSH KO NA ATA SIYA
Hay naku! May pa yata-yata ka pang nalalaman! Ilang months or years mo inipon ang courage mo para aminin yan! Eh its sooooooooo obvious naman na! Alam na ng buong barkada mo bago mo pa man aminin... Well at least now honest ka na sa sarili mo.

STAGE 5: TODO NA TO!
Eto na siguro yung part na may maraming complications kasi alam na ng barkada mo at ikaw kilig effect ka sa isang tabi. Eto na yung stage na may sub-levels ayon sa mga kabaliwang gagawin mo.
Shy Effect (DAW!)Okay nandyan ka lang sa isang tabi, nagmumuni-muni kahit within 1 meter radius lang ang crush mo kunwari walang reaction tanong lang ha: HANGGANG KAILAN?
KababawanYung bang tipong nadikitan lang siya by a quarter of a secong ng HIBLA ng damit niya eh hanggang langit na yang tuwa mo... Yung bang pwede ka nang mamatay. Hay grabeh ha!O kaya naman makasalubong mo lang siya eh papasa ka na sa exams... Haha!
Non-stop TalkWell, meaning wala ka nang ibang bukam-bibig kundi SIYASIYASIYA!! It's all about him!!!
StalkerYou're a walking encyclopedia about him: Alam mo na lahat ng dapat malaman tungkol sa kanya - schedule, address, phone number, birthday, san siya tumatambay, lahat ng favorites niya, pangalan ng parents, niya size ng pants, shoes, shirts niya, pati yata brand ng brief niya alam mo na eh! Tsk tsk tsk... Freaky!!
ObsessionDo I have to explain it?


STAGE 6: GETTING TO KNOW YOU
Sa wakas, kilala ka na rin ng crush mo eh di happy ka na?! Its your time to shine at magpakitang-gilas.Kaso take note: This is the most dangerous or should I say complicated stage - once you get toknow him. There might be a possibility na ma in-love ka sa kanya PERO pwede rin na crush molang talaga siya. There's also a chance na mawala ang pagka-crush mo sa kanya and you'll end up being FRIENDS.Daming possibilities... It's up to you what to choose... Basta make sure na its the best for the both of you.Yun lang. At least now you know HOW the process works... ^^

.Freak.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails