Noong maliit pa ako.. ninais kong maging isang sikat na mang aawit.
Wala naman akong paboritong mang aawit o idolo.
Basta gusto ko lang nasa entablado ako at madaming ilaw, madaming tao,
madaming hiyawan at walang katapusang palakpakan.
Ninais ko na idolohin ako at maging sikat.
Lumipas ang ialng taon, nakilala ko Siya.
Mabait Siya at madami Siyang tinuro sa kin.
Palagi niya ako sinasamahan kahit saan ako magpunta.
Siya rin ang naging dahilan lung pano ako natuto umawit.
Siya ang nagturo ng bawat salita at kung pano ito babasahin.
Siya ang nagturo gn bawat nota kung pano ito kantahin.
Siya ang aking naging awit.
Ngayon na isa na akong ganap na mangaawit, nabago na ang gusto ko.
Hindi ko na ninais na ako ang idolohin at maging sikat,
sa harap ng madaming tao, sa harap ng madaming ilaw.
Binago Niya ang gusto kong kasikatan, pero hindi niya ako pinilit.
Ngayon mas gusto ko nalang kumanta mag isa.
Yung tipong walang nakakakita, walang nakakarinig, walang pumapalakpak.
Hindi sa kinakabahan ako sa harap ng madaming tao, habang kumakanta ako.
Kinakabahan ako sa Kanya, habang nasa harap ko Siya at pinakikingan ako.
Ano kaya ang dating sa Kanya ng aking mga awit? ng aking pag-awit?
Siya lang ang kinatatakutan kong jurado sa pag awit ng aking buhay.
Lahat ng aking awit sa Kanya nagmula.
Lahat ng aking awit sa Kanya ko iaalay, sa kanya ko ibibigay.
Siya ang dahilan ng aking pag awit.
Siya ang aking awit.
Noong maliit pa ako.. ninais kong maging isang sikat na mang aawit.
At ngayon, na isa na akong ganap na mang aawit..
ninanais kong....
*****************************
February 4, 2007 4:00PM
No comments:
Post a Comment